| — | borgyborgs.tumblr.com |
Kaya minsan, naiisip ko, ayoko munang magkaroon ng karelasyon e. Kasi naiisip ko, pag mayroon akong ganun, mababawasan na yung oras ko sa mga kaibigan ko tsaka medyo magiging iba na yung pagtrato namin sa isa’t isa.
Madalas sumagi sa aking isipan yang bagay na yan. Siguro base na rin sa mga karanasan sa mga kaibigan ko. Iba kasi ako magpahalaga ng pagkakaibigan e. Kaya ayokong nasasanay sa mga bagay na alam kong mawawala rin balang araw. Yung tipong sanay kayong ganito kayo dati. Tapos darating yung pagkakataon na mawawalan na kayo ng oras para sa isa’t isa. Kaya minsan nagseselos ako kasi parang di na ako nabibigyan ng oras.
Nakakatawa kung iisipin, ‘di ba? Pero kung titingnang mabuti, masakit sa parte ng taong nakalimutan at napabayaan na lang ng biglaan. Minsan kasi kahit concerned ka para sa kanila, di rin nila makikita yun e. Kasi nabulag na sila ng bagay na tinatawag na pag-ibig. Tsaka yung normal na biruan n’yo dati, nagiging mababaw na alitan n’yo na ngayon. Ilan lamang yan sa mga bagay na napapansin ko sa mga kaibigan kong nagkaroon na ng girlfriend/boyfriend.
Sana lahat ng tao kayang balansehin ang oras nila. At sana alam nila kung ano ang kanilang priority. Love can wait naman e. :)
Sana lahat ng tao hindi lang sarili ang iniisip. Sana marunong din silang umintindi ng nararamdaman ng ibang tao. Lalo na kung talagang importante yung taong yun sa buhay nila.
Sa karaniwang alitan, may mga nasasaktan at may walang pakialam sa mga nangyayari. Bakit kasi may mga tao na sarili lang iniisip nila? Hindi ba pwedeng subukan nilang ilagay ang sarili nila sa posisyon ng taong nasasaktan at nahihirapan? Kung tunay talagang may pagmamahal sila para sa taong yun, gagawa sila ng paraan para maayos ang lahat. Pero ano ang kadalasang ginagawa nila? Naghahanap ng paraan o dahilan para maging sila ang tama. Kung ganito ang gagawin natin, anong mangyayari?
Matuto tayong tanggapin ang sariling pagkakamali. Matuto tayong magpatawad at magpahalaga ng taos-pusong paghingi ng tawad ng taong nakasakit sa atin. Matuto tayong magbigay ng second chance sa kanila. Dahil kung paiiralin lang natin ang pride natin, walang mangyayari maganda.
Just because I’m single, it doesn’t mean that I’m deprived of having fun on a Valentine’s day.
February 14, 2012 — normal na araw sa isang tao habang sa mga magkasintahan o mag-asawa naman ay isang espesyal na araw.
Ngayong araw na ito, nakipag-date ako sa ilan sa mga espesyal na tao ng buhay ko — ang mga kaibigan ko. Sanay na ko sa gawing ito na ipagdiwang ang Araw ng mga Puso kasama ang mga kaibigan. Sino pa bang aanyayahan ko para makipag-date? Kung walang buhay pag-ibig, ede yung mga tao na lang na laging nand’yan para sa’yo sa panahong malungkot at masaya ka.
Napagplanuhan na magpunta sa Alabang Town Center at doon palipasin ang araw. Late lunch sa Pancake House. Treat ni Julian. Sobrang nabusog dahil sobrang nagutom kami. Hahaha. Tapos window shopping at nag-ikot. Tapos napagpasyahan naming mag-Time Zone. Photobooth, Dance Revolution at kung ano-ano pa. Sobrang saya. Dumating pa si Tercy (pinsan ko), na pinangakuan ko dati nabibisitahin ko sa Alabang. Ayun, kwentuhan at kulitan. Hanggang sa kinailangan nang umuwi.
Wala man akong kasintahan o love life sa panahon na ‘to, naramdaman ko pa rin yung ligaya sa araw ng mga puso. Di mo naman kasi kailangan ng dose-dosenang rosas o naglalakihang mga stuffed toy para maging masaya sa Valentine’s day e. Yung pakiramdam na nand’yan ang mga kaibigan mo para sabay-sabay na ipagdiwang ang pagiging single n’yo, SAPAT NA YUN. :)
Kaya para sa inyong lahat, single man o taken, Happy Valentine’s Day! <3
Gusto kong magkwento ng tungkol sa experience ko ngayong gabi.
Nagpasama ako sa mga friends ko para bumili ng gift for my highschool friend. Sa SM Mall of Asia namin napagdesisyunang tumungo. Nag-ikot, pumili at bumili ng pangregalo tapos kumain. ‘Di ko na ikukwento yung mga nangyari tungkol d’yan. Eto ang exciting…
*Note: I-specify ko lang yung school. We are very sure na yun talaga yung school*
Habang nag-iintay ng taxi sa Taxi Bay, may dalawang students (One male and one female) from Manila Tytana Colleges na pumila sa likod namin. Mahaba kasi yung pila at wala masyadong dumarating na taxi. Since may mga benches na malapit sa pilahan, I decided to sit down. Tapos may isang dumating na taxi at sumakay yung mga nasa unahan na naging dahilan ng pag-forward ng mga tao. Hindi namin napansin na nagmove yung mga nasa harap namin, tapos biglang inunahan kami nung girl na nasa likod namin. So lumapit ako kasi masyadong gabi na rin naman. I said to her, “Excuse me, Miss…” And before ko pa matapos yung sasabihin ko, she shouted sarcastically “Okay go!” Habang nag-iintay na makasakay kami, the girl kept on saying things na obviously, sa’min n’ya pinapatama. Di na lang ako nagsalita kasi I know na yun yung tama. I don’t want to start a fight kasi ayokong ibaba yung sarili ko.
Habang tumatagal, putak pa rin s’ya ng putak. Tapos nung dumating na yung taxi na para sa’min, I just shouted “Nakakahiya naman kasi sa school namin.” Before kami makasakay sa taxi namin (which is a new Toyota Avanza), sumigaw s’ya ulit saying something like this “Ang ganda ng taxi pero yung mga sasakay pangit.” And because she was already talking too much and I was almost losing my temper, I replied “E pangit ka rin kaya!” Tapos sumakay na kami sa taxi. Akala namin tapos na ang lahat. Then we noticed na sinusundan n’ya yung taxi namin at tinabihan kami. She opened the window of where she was riding. She was shouting words which we weren’t able to hear. Mind you guys na close na yung window namin and the radio was on. I told my friends na wag na buksan yung window namin kasi di naman na dapat namin patulan at sapat na yung ginawa namin. Tapos yung girl, sumenyas ng middle finger sa amin. Hindi ko alam kung ano yung problema nung girl.
Alam kong nasa tama akong posisyon at tama ang ginawa ko. Hindi ko lang alam kung bakit ganun s’ya mag-react. Siguro lasing or warfreak lang talaga s’ya.
Sana di na ‘to maulit. To the two students, sana mahiya naman kayo sa ginawa n’yo. Naka-uniform at school ID pa kayo nung ginawa n’yo yung nakakahiyang bagay na yun. :)
Di na tama ang mga nangyayari. Di ko na kinakaya. Kahit anong pilit ang gawin ko, di ko kayang ipilit. Kahit ang mga tao sa paligid ko, di ako naiintindihan. Sa sobrang di ko na kaya, naluha na lang ako. Ngayon na lang ulit ako naiyak dahil sa dami ng problema at kung ano-anong mga bumabagabag sa isip ko. Di na ko katulad ng dati. Di na katulad ang lahat ng dati. Nagbago na lahat. Mag-isa na lang talaga ata ako. :(
Yes. Your post from tumblr can be seen on your facebook wall slash timeline. Pero from Facebook to Tumblr = no. :)

